Lahat ng tao ay may problema. Ang bawat isa ay dumadaan dito, isang problema na minsan mahirap, minsan naman madali. At kapag may problema tayo, madalas naaapektuhan ang ibang aspeto ng ating buhay. Halimbawa, pag may problema tayo sa girlfriend o boyfriend natin, naaapektuhan din pati ang pag-aaral natin. Pag may problema sa pamilya, madalas naaapektuhan ang buhay-pag-ibig at skwela natin. Kaya iminumungkahi ko sa bawat isa na magkaroon ng “Modular Life”.
Ano ang modular life? Ito yung paghahati-hati ng buhay natin sa iba’t-ibang aspeto. Tulad sa pamahalaan, may Department of Tourism, Education, Health, etc. Gets? So eto ang mungkahi ko, hatiin natin ang buhay natin sa anim na aspeto; Family, Lovelife, Studies, Friends, Religious Life at Self-Life. Siguro nalilito kayo ano yung “self-life”, tama? Yung ibang lima sigurado naiintindihan niyo na yun. So ano yung “self-life”? Simple, eto yung aspeto ng buhay natin kung saan tayo lang ang mundo. Madalas natin itong nararanasan kapag nag-iisa tayo at iniisip natin ang mga bagay-bagay. Kumbaga, how far do we know ourselves is simply self-life. Kuha niyo na?
So paano gamitin ang modular life in dealing with problems? Simple lang, i-isolate ang aspect na may problema at wag hayaan na madamay ang iba. Halimbawa, pag may problema sa lovelife, wag natin dalhin ang problema sa studies, wag hayaang madamay ang ibang aspeto. Syempre minsan mahirap i-solve yan. Para mas mapadali ang pag-ayos sa problema, tingnan natin ang ibang aspeto kung okey ba ang takbo. Habang di pa natin naaayos ang problema, dun muna tayo mag-concentrate sa aspetong walang problema. Di natin mapapansin, mabibigla nalang tayo na okey na pala ulit yung aspetong nagka-problema.